The Consumer Society and the NEW Means of Consumption

“Wise consumption is much more complicated than wise production”

-Leo Tolstoy

Ang malakas na impluwensya ng mga ideya ni Baudrillard kasama na ang mga ideya nila Marx at Weber ay nabuo ang isang teorya kung saan ang lipunan ay nagkokonsumo. Sa pangkalahatan, inilalarawan nito ang mundo na patuloy ang pagtaas sa pagkonsumo na nagdadala patungong kapanahunang lipunan kung saan ay maaaring makita bilang sobrang pagkonsumo.

Means of Consumption: Luma at ang Bago, sa dating pag-aaral ni Marx nagagamit ang terminong means of consumption na laging sumasalungat sa kanyang sikat na terminong means of production. Para sa kanya, ang means of production ay ang mga kagamitan, makinarya, atbp na nagiging dahilan para makabuo ng isang produkto na umiiral sa kapitalismong lipunan. Para maging aling-sunod sa kahulugan ni Marx ng means of production ay dapat ang depinisyon ng means of consumer ay ito ang mga bagay na ginagawang posible ang pagkonsumo. Isang halimbawa ang mga pabrika, ito ang nagiging dahilan kung bakit posible makabuo ng mga produkto at ang shopping malls ang nagbibigay daan upang ang mamimili ay makapagkonsumo.

Subalit kahit na ito ay nagbibigay ng mga materyal na bagay sa isang tao, nagdadala rin ito ng hindi materyal na pakiramdam tulad ng gemeinschaft. Ito ang sinasabing makalumang means of consumption at ang mga ito ay ang bazaar, arcade, department store, general store at iba pa.

Ang tinatawag na NEW MEANS OF CONSUMPTION ay ang hanay ng mga sites na dumating noong 1950 at nagsilbing malaking pagbabago sa pagkonsumo. Ang iba’t-ibang pangunahing bagong means of consumption ay ang mga franchise kagaya ng McDonalds, shopping mall, megamall, superstore, theme parks, cruise ships, at casino-hotels. Kahit ito ay mga materyal na estraktura nakikita pa rin ito bilang phantasmagoria o pangarap na mundo. Sa katunayan, sa mga nakaraang siglo ito ang nagsisilbing paraan upang maakit ang mga mamimili na magkonsumo upang lalo pang pataasin ang antas ng pagkonsumo papuntang hyperconsumption.

Kahit na nabuo ang mga bagong paraan ng pagkonsumo ay dahil sa bilis ng pagbabago na karamihan sa mga ito ay nangangambang mapalitan ng mas bago at dematerialized means of consumption gaya ng mga online shopping. Napapadali nito ang paraan ng pagkonsumo kung saan hindi na kailangan pumunta pa sa mismong mga tindahan upang makabili ng mga bagay na nanaiisin ng mga mamimili. Maaari ka nang tumawag sa telepono kung may nais kang bilhin at ito ay ipapadala na lang sa iyong bahay. Dahil sa madaling paraang ito mas marami pang mga konsumer ang naaakit na bumili lang nang bumili kasi madali na lang ito. Dumating pa ang internet, kaya naman nagkaroon ng iba’t-iba pang applications para kahit ikaw ay nagcecellphone lang ay maaari ka nang makabili.

Ang patuloy na pagkonsumo ng mga tao sa mga bagay na hindi naman talaga nila kailangan ay pinapayaman lamang ang mga mapang-aping kapitalista, at dahil binibigyan sila ng ibang pakiramdam kapag nakakabili ng mga bagay na higit sa kanilang pangangailangan ay nabubulag na lang sila sa mga isyu na dapat talagang pagtuunan ng pansin. Kailangan nga ba natin makakamit ang lipunan kung saan ganap na ang paglaya at pagbabago?

Jean Baudrillard: The Rise of Consumer Society, Loss of Symbolic Exchange, and Increase in Simulations

“The consumption society has made us feel that happiness lies in having things, and has failed to teach us the happiness of not having things”


-Elise M. Boulding

Mula sa lipunan ng paggawa patungo sa lipunan ng mamimili, ang mga sulatin ni Jean Baudrillard ay malakas na naimpluwensyahan sa pag-iisip ni Karl Marx at iba’t-ibang sangay ng Neo-Marxian na teorya. Subalit kahit na si Marx at ang ibang mga Marxista ay nakatuon sa produksyon, mas pinagutunan ng pansin ni Baudrillard ang paglitaw ng CONSUMER SOCIETY. Para sa kanya, hindi lang dapat umiikot ang mundo sa paggawa ng isang produkto kundi sa likod nito ay ang mundo ng pagkonsumo.

Consumption as language, naisip ni Baudrillard na ang pagkonsumo ng isang bagay ay isang uri ng lenggwahe. Halimbawa, ang pagbili ng sasakyan kagaya ng Lexus ay isang simbolo na ikaw ay mayaman kumpara sa pagbili ng Kia ay nagpapakita ng mapagkumbabang pang-ekonomiyang kalagayan.

Subalit paano ba natin nalalaman kung ano ang mga ibig sabihin ng palatandaang ito? Ipinapaliwanag niya na kaya natin nagagawang magbigay ng kahulugan nito ay dahil naiintindihan natin ito at tayo ay kinokontrol ng mga palatandaang ito. Kaya naman tayo ay bumibili ng mga mamahaling bagay dahil alam natin na naiintindihan din ng ibang tao ang kahulugan ng pagbili mo nito.

Ito ang nagdadala sa mga tao na magkonsumo ng higit sa kanilang pangagailangan. Kahit may mga bagay na hindi naman nila kailangang bilhin ay binibili nila. Ang realidad, ang mga tao ay tuluyan nang nagiging mga bagay na kanilang binibili, ang kanilang mga kinokonsumo ang mga bagay na nagpapaliwanag ng pagkatao nila.

Tayo ay kadalasang naniniwala na ang dahilan ng pagkonsumo ay naka-base sa ating needs o pangagailangan. Bumibili tayo ng mga bagay dahil kailangan natin ito, kagaya ng pagkain para mabuhay, damit, bahay at sasakyan. Ngunit sa pananaw ni Baudrillard, hindi niya tinanggap ang teoryang ito dahil may mga taong bumibili na lang ng bagay kahit hindi naman na ito kasama sa kanilang pangangailangan. Dito pumapasok ang hyperconsumption kung saan tayo ay nagkokonsumo ng higit at ang mga bagay na ating kinokonsumo ay kadalasang hindi naman natin nagagamit dahil hindi nga natin ito kailangan. Ito ay nangangahulugan na ang pagkonsumo ay nagiging isang porma ng komunikasyon kung saan kapag tayo ay bumibili ng mga bagay-bagay at naipapakita natin kung saang grupo tayo nabibilang.

Maiuugnay din sa lipunang ito ang sinasabi niyang simulation, ito ang pamumuhay ng mga tao na nahihirapang suriin kung ano nang totoo sa hindi, at nagbubuhay tayo sa lipunan kung saan tayo ay kinokontrol ng pag-iisip na kung ano ang mga bagay na kaya nating bilhin ang magdidikta ng posisyon na ating kinalalagyan sa mundo.

Sa kasalukuyan, ang ganitong lipunan ay patuloy lamang magdadala ng pagtaas ng paglaganap ng mga simulation at ang mga tao ay mananatili na lamang magkonsumo ng mga bagay na kagustuhan at hindi naman talaga kailangan.

Michel Foucault: Increasing Governmentality

“Our society is not one of spectacle but of surveillance”

-Michel Foucault

Sa ating lipunan ngayon, lahat ng mga bagay ay hindi naman nangyayari para sa kapakinabangan ng nakararami. Kalaunan ay matutuklasan din ng mga tao na ginagamit lang sila ng isang partikular na grupo para sa kanilang interes laban sa iba. Ayon sa mga kagaya ni Michel Foucault, na isang postmodernist, ang ganitong sistema ay puro pandaraya lang ang alam nila dahil sila ay nagkukunwaring may malasakit para sa nakararami subalit nakatago dun ang kanilang pangkatin na interes na kalaunan ay makikita rin kapag sila na ang may hawak sa kapangyarihan ng estado.

Ang mga postmodernist ay kasalungat ng mga modernist kung saan sila ay nagpapahayag ng malalaking paraan para ipaliwanag ang lipunan pati na ang kasaysayan. Partikular na kilusan na nabuo ng mga modernista ay ang rebolusyonaryo at ang mga relihiyoso. Kabaligtaran ang mga postmodernist, sila ay galit sa grand narratives, ito ay ang malalaking paraan ng pagpapaliwanag paano tumakbo ang lipunan mula noon hanggang ngayon. Natutunan natin ang grand narratives dahil sa relihiyon at sa pagpasok sa akademya at natututo sa Marxismo. Mapapansin na ang mga ito ay mga malalawak na paraan para ipaliwanag ang buong buhay sa mundo. Pero ang pananaw ng mga katulad ni Foucault, ito ay wala namang nagagawang totoong pagpapalaya lipunan. Ginagamit lamang ito ng mga ibang tao para sa kanilang sariling kapakanan, dahil kung totoong mapagpalaya ang kanilang mga nagawa ay wala na dapat tayong problema sa lipunan ngayon. Sa totoo lang kung ikukumpara noon ang mga problema ay mas lalo lang lumala ngayon.

Kaya naman si Foucault ay mas pumapabor sa mga salaysay na illogical, incoherent, at irrelevant. Mas pagtutuunan niya ng pansin ang mga bagay na nababaliwala lang noon, at yung mga ayaw na pag-usapan yun ang pag-uusapan niya. Isang halimbawa ay ang kanyang aklat na The History of Sexuality, paguusapan niya ang sex na ayaw marinig o pagusapan ng mga tao dahil konserbatibo. Subalit totoo namang ito ay umiiral sa pag-iisip ng mga tao.

Nakapaloob sa konteksto tulad ng mga pangkalahatang pananaw sa pagbabago, naging interesado si Foucault sa governmentality. Ito ay ang pagsasanay at paraan kung saan ang KONTROL ang pinapaiiral sa mga tao. Ang pinaka halatang halimbawa nito ay ang kontrol ng pamahalaan higit sa mamamayan nito. Kapansin-pansin sa kanyang trabaho ay isang pag-aalala para sa paraan ng mga tao na pamahalaan ang kanilang mga sarili.

Discipline and Punish, ang isa sa pinakamagandang halimbawa sa interes ni Foucault ay ang prison system noong 1757-1830s, dahil sa kulungan noon ang pagpapahirap o torture sa mga bilanggo na kalaunan ay pinalitan ng kontrol sa pamamagitan ng mga patakaran sa kulungan. Ang paglipat na ito ay nagpapakita ng progresibong pagpapakatao sa pagtrato sa mga kriminal. Ang mga parusa ay maawain, hindi ganon kasakit at hindi malupit. Sa realidad, ang pananaw ni Foucault ay ang sistemang ito lalong nitong pinahusay ang abilidad na parusahan ang mga kriminal. Noon, nakikita ng mga tao ang pag­-torture sa kriminal kaya may mga taong namulat at naisip na mag-rebolusyon. Kaya naman nabago ang sistema kung saan ang mga batas o patakaran ay tinuturo upang malaman ng mga tao kung ano ang maaring ipataw na kaparusahan kapag nalabag ito. Ito ang rasyonalisasyon kung saan ang mga namamahala ay kayang disiplinahin ang mga tao ng hindi sila nag-iisip na magrebolusyon.

Instruments of Observation and Control, dito papasok ang hierarchical observation na may abilidad ang mga opisyales na pangasiwaan ang lahat na kinokontrol nila sa isang pagtingin. Sa konstekstong ito makikita ang pagtalakay niya sa panopticon. Ang panopticon ay estraktura na nagpapahintulot sa isang tao na may kapangyarihan ang posibilad na pagbantay sa isang grupo ng mga tao. Ang halimbawa ay ang opisyal ng kulungan at ang mga bilanggo, ang mga opisyales ay nasa tore kung saan nakikita nila ang mga bilanggo subalit ang mga bilanggo ay hindi sila nakikita. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang mga opisyales na kahit sila ay wala doon, dahil sila ay hindi nakikita ng mga bilanggo ay iisipin pa rin nila na may nagbabantay sa kanila. Ang lipunan kung saan laganap ang pagkontrol sa mga tao ay tinatawag na disciplinary society. Ang pangalawang instrumento ay ang normalizing judgement, ito ang nagtatakda ng pamantayan at paparusahan ang sinumang lumabag nito. Ang mga nasa kapangyarihan ang nagpapasya kung ano ang normal at hindi.

Ang iba pang malaking teorya ni Foucault ay ang Madness and Civilization. Sinasaad dito na ang ideya sa sibilisasyon ay nagsimula lang noong likhain ng lipunan ang negatibong pagtingin sa mga baliw na hindi naman ganoon noong unang panahon. Dahil ang mga baliw noon sa Europa ay hindi nilalagay sa partikular na lugar kagaya ng mga mental hosipital sapagkat wala pang modernong paraan ng pagtingin sa pagkabaliw nila at noon din ay hindi sila masama tignan dahil ang iba sa kanila matalino na may nagagawang kakaiba para sa lipunan. At nang dumating na ang modernong paraan ng pagtingin sa kanila ay gagawa ang mga normal ng lugar para ihiwalay sila sa sibilisasyon na nagdadala ng negatibong epekto na pagtingin sa mga baliw at nang maitayo ito ay tsaka lilinaw kung ano ang normal at sibilisasyon. Hindi magkakaroon ng sibilisasyon kung walang ideya kung ano ang baliw.

Contemporary Feminist Theories

HINDI AKO “BABAE LANG”

Sa mga nakaraang tinalakay na pag-aaral sa lipunan ang mga natatanging kilala na sosyolohista at ang kanilang mga aral ay nakatuon sa mga kalalakihan lamang at ang mga kababaihan ay inaasahan na nasa bahay lamang. Ang patuloy na diskriminasyon at maling pagtrato sa mga kababaihan ang naging dahilan sa paglaganap ng feminismo. Ngunit ano nga ba ang feminismo? Marami ang sumubok bigyang kahulugan ang nasabing salita ngunit ang resulta ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang depinisyon kung saan ang iilang konsepto ay nauugnay ngunit sa iba naman ay hindi nagtutugma o tila nagiging magkabaligtaran. Kung kaya’t simulan natin ito sa isang pagpapalagay na walang tiyak na kahulugan ang salitang feminismo. Maaari nating subukang kunin ang pagkakapare-pareho ng mga kahulugang binigyang diin ng mga skolar na nag-aaral ukol dito at makukuha natin ang isang simpleng depinisyon ng feminismo bilang ang pagkabahala ng mga kababaihan sa kanilang kasalukuyang posisyon sa lipunan bilang inferiors’ ng ibang kasarian. Dala na rin ng diskriminasyon sa mga kababaihan, nagkaroon ng konseptong feminismo upang protektahan ang karapatan ng mga kababaihan bilang katumbas ng karapatan ng mga kalalakihan.

Bukod dito, ang mga taong sumusuporta sa feminismo ay nananawagan para sa pagbabago sa ayos ng politikal, sosyal, ekonomikal at kultural na aspeto ng lipunan upang mabawasan ang mas mababang pagtrato sa kahalagahan at kalakasan ng pagiging isang babae. Isang halimbawa ng pagwawalang bahala ng lipunan sa kakayahan ng mga kababaihan ay ang hindi pagkakaroon ng kilalang babaeng pilosopo o kahit sinong babaeng umunlad sa larangan ng pilosopiya noong panahon ng mga kilalang iskolar tulad nila Socrates at Plato.

Hindi nabibigyan ng oportunidad ang mga kababaihang ipamalas ang kanilang angking talino dahil sa kawalan ng plataporma upang sila ay magpakita ng kanilang abilidad. Hindi rin nabibigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan maihalal o makaboto sa mga panahong iyon. Ang kababaihan ay ipinapalaki ng mga magulang upang ihanda sa buhay maybahay at ang kanilang edukasyon ay limitado lamang upang magampanan nang maayos ang papel ng pagiging isang ina at asawa.

Sumibol ang konsepto ng feminismo nang mabuksan ang isip ng kababaihan sa diskriminasyon at inferiority na ipinaparanas ng lipunan sa mga babae. Sa panahong ito, kinwestyon ng kababaihan ang kanilang posisyon sa bawat larangan. Iba’t ibang organisasyong naglalayong protektahan ang karapatan ng mga kababaihan ang nagsilabasan kahit na anglang salitang feminismo ay hindi pa nagagamit.

Unang tagumpay para sa mga sumusuporta ng feminismo ang pagkakaroon ng kababaihan ng karapatang bumoto at maihalal. Unti-unti na ring nakikilala sa larangan ng siyensya atat teknolihiya ang mga kababaihan tulad nI Marie Curie at Ada Lovelace.

Ang ikalawang pakikipaglalaban sa karapatan ng kababaihan ay umiikot sa ikwalidad sa aspeto ng pamilya, sekswalidad at trabaho. Unti-unti na ring nawala ang diskriminasyon sa pagpili ng babae sa pagbibigay ng trabaho at ang ideyang ang lalaki lamang ang maaaring magtrabaho para sa ikabubuhay ng pamilya.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang laban ng mg kababaihan sa pagkakapantay-pantay bg karapatan dahil hindi pa rin natatapos ang isyu ng seksismo. Bagama’t hindi na kasing-tindi noong mga panahong tila instrumento lamang ang pagtingin sa kababaihan, masasabing patuloy pa rin ang pagbabago sa lipunan at ang pagpapalakas ng boses ng kababaihan ay isa sa mga pinagtutuunang-pansin sa ngayon.

Analyzing Modernization: The McDonaldization of Society

Bakit ba may mga taong kumakain sa fast food chain? Syempre ang pinakasagot na makukuha mo ay ang EFFICIENCY nito. Bukod sa mabilis na pagbili ng pagkain ito ay mura pa. Ayon kay George Ritzer ito ay proseso kung saan ang mga prinsipyo ng mga fast food chain ang nangingibabaw hindi lamang sa iba’t-ibang sektor sa Amerika kundi pati na rin sa buong mundo, ang prosesong ito ay MCDONALDIZATION.

Ang ideyang ito ay orihinal na nagmula kay Weber na nakatuon sa rasyonalisasyon at kagaya nito, ang McDonaldization ay may iba’t-ibang katangian.

Una, ang McDonaldization ay nagbibigay diin sa efficiency kung saan ang empleyado at ang customer ay parehong inaasahan na maging efficient. Kung bibili ka sa isang fast food chain kagaya na lamang ng McDonalds ay inaasahan na mabilis mula sa pagbili ng pagkain, paggawa nito at ikaw bilang mamimili ay inaasahan din na mabilis na kakainin ito. Dito na papasok ang calculability.

Pangalawa, ang calculability kung saan ang bawat bagay ay nasusukat o nakakalkula. Isang halimbawa ang fast food chain na McDonalds, alam naman na natin kung gaano tayo katagal maghihintay para sa ating pagkain. May nakalaan din na sukat o dami sa paggawa ng produkto, may nakalaan na rin na presyo sa mga ito.

Ang pangatlo ay ang predictability, dahil alam na natin kung ano ang mga mangyayari sa loob nito, isang halimbawa ang mga empleyado. Sila ay may sinusundang script na kanilang sasabihin sa mamimili at katulad nito ang mga mamimili ay inaasahan na alam na ang bibilhin o kaya’y alam kung saan titingin para hanapin kung ano ang kanilang gusto. Sila ay inaasahan na bumili, magbayad, at mabilis na umalis.

Ang pang-apat na katangian ay ang mahusay na pag-kontrol na nangyayari sa isang McDonaldizing na lipunan at ang kontrol na ito ay nagmumula sa teknolohiya. Sa modernong panahon ngayon, karamihan sa mga fast food chain ay nangingibabaw na ang mga teknolohiya na kalaunan ay maaari nang palitan ang mga tao. Ang mga empleyado ay kontrolado ng mga teknolohiya gayundin ang mga mamimili, halimbawa, ang lutuan ng french fries ay imposible na para sa mamimili na may kahilingang gawing well-done ang fries.

At ang pinakahuli, kung saan kabalintunaan ng pagiging rasyonal ay ang irrationality of rationality. Marahil na masasabing efficient ang McDonaldization ngunit may masamang epekto rin ito sa empleyado at sa mamimili. Ang mga empleyado ay nakakaranas ng dehumanization at ang mga mamimili katulad na lamang ng isang pamilya ay napipilitang kumain ng mabilis at umalis din agad ng mabilis.

Makikita na ang McDonaldization ay may malaking epekto hindi lamang sa mga kainan kundi maging sa iba’t-ibang sektor ng negosyo. Ang McDonaldization ay gawa sa Amerika at tuluyan nang na-export sa buong mundo. Ang Pilipinas ay isang halimbawa sa malawakang pagtanggap ng mga banyagang produkto at tuluyang nababasura ang sariling atin.

Walang masama sa pagbili ng mga bagay na uso, ngunit dahil sa ganitong pag-iisip ay maraming nalulugi na Pilipino dahil hindi natatangkilik ang lokal na produkto. Simulan natin ang pagbabago mula sa ating sarili at simulang tangkilikin ang sariling atin.

NEO-MARXIAN THEORY: The Emergence of the Culture Industry and from Fordism to Post-Fordism

Kahit pa patuloy na nagbabago ang panahon ay nananatili pa rin ang ideolohiya na naambag ni Marx sa lipunan. Kaya naman maraming mga Marxista ang dumating at napagtuunan ng pansin ang mga teorya ni Marx upang palawakin sa iba’t-ibang paraan at ito ang tinatawag na Neo-Marxism. Ito ay hindi lang din nabuo mula sa teorya ni Marx, nagkaroon din ng ambag ang mga teorya ni Weber tungkol sa pagtaglay ng rasyonal na pag-iisip at ang kay Sigmund Freud na kamalayan. Ang pagsasama-sama ng mga ideyang ito ang lalo pang magpapalalim sa kaliputang dulot ng kapitalismong lipunan.

Ang isang halimbawa sa teorya ng mga Neo-Marxian ay ang CRITICIAL THEORY, ito ay base sa ideya ni Marx na ang kapitalismo ay dumaan sa dramatikong pagbabago. Ang mga tao ay mas madaling ma-kontrol ng kultura kesa mismo sa ekonomiya. Ngunit bakit nga ba masyadong nag-aalala ang mga critical theorist sa kultura? Dahil nakita nila na mas malaki ang epekto ng kultura kumpara sa mismong mga trabaho ng isang tao. Ang epekto ng trabaho ay nangyayari lamang habang nagtatrabaho ngunit ang epekto ng kultura ay mararamdaman mo pitong-araw sa isang linggo.

Ang kultura ay dumating upang pangibabawan ang mga tao sa iba’t-ibang paraan. Ang pinaka importanteng paraan ay ang tinatawag ni Marx na opiate of the masses. Nilululong ng mga industriya ng kultura ang mga tao para maibaling ang kanilang pagtingin sa patuloy na pang-aapi ng mga kapitalista sa mga manggagawa. Dito pumapasok ang mga radyo, telebisyon, at syempre sa patuloy na pagdating ng modernong panahon ay nagkaroon na ng internet at iba’t-ibang social media na lalo pang naging dahilan kung bakit nabaling ang atensyon ng mga tao. Kahit na ang layunin nito ay pang-edukasyon o para mas lalong dumami ang ating kaalaman at maging mulat sa lipunan, ito ay nagagamit bilang pang-kasayihan na lamang.

Isa pa sa sinuri ng mga kritikong teorista ay ang MODERN TECHNOLOGY, imbis na ang tao ang kumokontrol sa mga teknolohiyang ito ay ang mga teknolohiyang ito mismo ang kumokontrol sa mga tao. Kung titignan ang papel ng teknolohiya, ayon kay Herbert Marcuse na ito ay ginagamit upang makabuo ng one-dimensional society. Ang mga tao ang gumagawa ng teknolohiya subalit ito ay kinokontrol pa rin ng mga kapitalista. Dahil dito nawawala ang abilidad ng isang tao maging malikhain at malaya.

Pessimism about the Future, ang patuloy na pagtaas ng rasyonalisasyon ang nagdala sa mga kritikong teorista na magkaroon ng negatibong pagtingin sa hinaharap. Dahil imbis na makita ng mga tao ang totoong nangyayari sa lipunan ay nababaling lamang ang mga atensyon nila sa ibang bagay. Ang sitwasyon na ito ang problema dahil ang mga tao ay minamahal na lamang ang mga bagay na kinukulong sa kanila upang hindi nila maisipang magrebolusyon at patalsikin ang kapitalismong naghahari sa lipunan.

Ang pangalawang pinaka malaking teorya na nabuo ng Neo-Marxian ay ang FORDISM o fordismo kung saan ito ay tumutukoy sa ideya, prinsipyo at sistema ni Hendry Ford. Siya sikat dahil sa paggawa ng automobile assembly line, na mas nagpapadali at nagpapabilis sa pagbuo ng sasakyan. Ang assembly line ay ginagamitan ng mga makinarya at kinokontrol ito ng mga tao. Subalit kahit na ito ay may mga magandang epekto ay hindi maiiwasan na magkaroon ng kapinsalaan lalo na sa mga empleyado. Ang mga empleyado ay nakararanas ng alienationdahil sila ay nakukulong sa isang gawain at paulit-ulit na lamang araw-araw. Kahit tinaasan ni Ford ang mga sweldo ng kanyang empleyado upang makabili rin ng kanyang mga ginagawang produkto kaya naman bilang isang kapitalista kagaya niya, ay mas malaki pa rin ang kanyang kinita. Dito pa lamang makikita ang pang-aapi at pagsasamantala ng mga kapitalista sa mga manggagawa upang sila pa rin ang manatiling nakakaangat sa lipunan.

Hanggang sa ngayon, ang prosesong ito ay nangyayari pa rin sa buong mundo, at ang teknolohiya ay patuloy na tumutulong upang hindi natin makita ang katotohanan na tayo ay alipin ng mga kapitalistang mapang-api.

Max Weber: The Rise of Rationalization to the Society

“Ang pinakamahalagang pagbabago ay hindi teknikal, ekonomikal, o politikal, kundi ay ang malaman ang kaibahan ng modernong mundo sa tradisyonal na mundo. Dahil dito nagkakaroon ng pagkakaiba sa paraan kung paano tayo mag-isip”

Kung titignan mo ang mundo noong unang panahon sa Europa, at kung papangalanan mo ang malaking pagbabago sa pagitan noon at ngayon, ano ang pipiliin mo? Marahil maiisip mo sila Durkheim at Marx, na nagsasabing ang pinakamalaking pagbabago ay ang pyudalismo patungong kapitalismo. Ito ay tamang sagot ngunit iba ang pananaw ni Max Weber. Para sa kanya, ang pinakamahalagang pagbabago ay hindi teknikal, ekonomikal, o politikal, kundi ay ang malaman ang kaibahan ng modernong mundo sa tradisyonal na mundo. Dahil dito nagkakaroon ng pagkakaiba sa paraan kung paano tayo mag-isip.

Sa pagdating ng modernisasyon, nakita ni Weber ang iba’t-ibang katangian ng modernong mundo na ngayon ay pinagtatalunan pa rin ng mga sosyolohista. Ang kanyang mga ideya ay nakatuon sa rationalization, bureaucracy, at social stratification. Upang mas maintindihan ang mga katangiang ito ay ano ba ang dahilan kung bakit tayo napunta sa modernisasyon?

Ayon kay Weber ang tunay na dahilan ng pagbabago mula tradisyonalismo patungong modernisasyon ay ang paraan ng pagiisip. Hindi ang paraan ng paggawa o sosyal na pagbubuklod-buklod kundi ay ang mga ideya na nabubuo ng ating mga isipan. Ang tradisyonal na pag-iisip ay ang pagtanggap sa mga bagay kung paano na lamang ito ibinigay sa atin. Sa madaling salita, ang tradisyonalismo ay nakikita ang mundo sa paraang kung paano na ito nakaayos at hindi dapat ibahin at dapat na manatili lamang kung paano ito nakaayos. Halimbawa na lamang ang pyudalismo noon, ang mga hari at reyna ang namumuno at kahit sila ay magaling o hindi sa kanilang trabaho ay nararapat na sila ay sundin. Kung nararapat ba sila o hindi sa kanilang posisyon sa lipunan ay hindi kailanman naiisip o napaguusapan ng mga tao. Subalit kabaligtaran ang modernong pag-iisip, napansin ni Weber na sa pagdating ng modernisasyon ay ang lipunan at mga tao ay mas nagiging rasyonal.

Ito ang proseso na sinasabi ni Weber na rasyonalisasyon at ayon sa kanya ang mga rasyonal na pag-iisip ay nagtataglay ng caculability, methodical behavior at reflexivity. Ang pagkalkula ay simple lamang, kapag nalaman mo kung ano ang input ay malalaman mo rin kung ano ang magiging output. Lahat ng bagay ay madali na lang mahulaan dahil alam na natin kung ano ang magiging bunga. Halimbawa, ang mga mangkok na gawa sa pabrika ay iba sa yari sa kamay mangkok dahil sa pabrika mayroong paraan kung paano ito nagagawa. Mayroong makina na ginagamit para magawa ito na kahit sino ang kumontrol ng makina ay magiging pare-pareho pa rin ang mga mangkok. At ang huli, ang rasyonal na pagiisip para kay Weber ay ipinapakita kung ano ang iyong ginagawa o sa ibang salita ay thinking reflexively. Lagi kang nagiisip ng iba’t-ibang paraan kung paano mapapaunlad ang proseso ng iyong ginagawa para makagawa ng mas maganda at mahusay na paraan kung paano gumawa ng isang bagay.

Batay sa teorya ni Weber, mayroong apat na mahalagang uri ang rasyonalisasyon. Ito ay ang practical, theoretical, substantive, at formal rationality. Sa araw-araw tayo ay nahaharap sa iba’t-ibang problema at ang paghahanap natin ng angkop na solusyon ay tinatawag na practical rationality. Samantala, ang theoretical rationality ay ang pagunawa                 sa lipunan sa pangangatwirang deductive at inductive at ito rin ay ang pag-iisip ng solusyon na pang-matagalan. Ang substantive rationality naman ay ang pagpili sa pagitan ng mabuti o masama na dinidiktahan ating paniniwala at values. Ang kaibahan nito sa formal rationality ay ang pagpili sa mabuti o masama batay sa panuntunan, batas at regulasyon.

Ang malawakang paglaganap ng kapitalismo sa kanlurang bahagi ng Europa ang naging dahilan kung bakit nasulat ni Weber The Protestant Ethic and the Spirit of Capitalism. Napansin niya na ang mga kapitalista dito ay magkakatulad na protestante, at dahil nga subjectivist si Weber ay kanyang pinagaralan ang totoong dahilan sa likod ng matagumpay na ekonomiya ng lugar na ito. Ang protestante ay isang relihiyon na bumabatikos sa mga mali at anumalya ng mga Katoliko. Sa ilalim ng protestante ay ang Calvinismo, ito ay ang mga teolohikal na tradisyon na pinaniniwalan ni John Calvin. Sila ay naniniwala sa predestination kung saan ang lahat ng tao ay bago pa man mabuhay sa mundo ay nakatakda na kung sila ay mapupunta sa langit o hindi. Naniniwala rin sila ang tanging pangitain lamang ang magsasabi kung sila ba ay maliligtas o hindi. Ang pangitain na ito ay ang pagiging tagumpay sa negosyo at pagpapalago nito. Ang pagtingin ni Weber sa kapitalismo ay iba sa sinasabi ni Marx, ang kapitalismo para kay Weber ay hindi nanggagaling sa pansariling luho kundi dahil sa kanilang paniniwala bilang Calvinismo. Ang paniniwalang ito ang nagpausbong sa kapitalismo na naging daan upang maging maunlad at mayaman ang ekonomiya ng kanlurang Europa. Ang pruweba na nakita ni Weber para suportahan ang teoryang ito ay ang mga protestanteng kapitalista at dahil nangingibabaw ang relihiyon na ito sa kanlurang Europa, mapapansin na ang ekonomiya ng ibang lugar na may ibang relihiyon lalo na ang katoliko ay mababa.

Isa pa sa nakita ni Weber ay ang estraktura ng awtoridad ng isang lipunan. Ang pagkakaroon ng legal na kapangyarihan sa isang lipunan ay nagbibigay awtoridad upang pamahalaan ito. Ngunit paano nga ba ito naging makapangyarihan na kapag may inutos ang isa tao ay susunod na lamang ang ibang mga tao dito? Ayon kay Weber may tatlong pinagbabasehan ang awtoridad na ito, ang traditional, charismatic, at rational-legal authority. Ang tradisyonal na awtoridad ay ang monarkiya, kung saan ang mga namumuno ay napapagpasa-pasahan ng mga pamilya o tribo na nakasanayan na ng nakararami ang ganong pinuno. Ang charismatic na awtoridad ay ang pagkakaroon ng mga katangian na kakaiba sa mga tradisyonal na pinuno. Ang halimbawa ay si Adolf Hitler. Ang huli ay ang rational-legal na awtoridad kung saan mayroong pamantayan sa abilidad ng mamumuno at sumasailalim sa legal na paraan upang maihalal na pinuno.

 Magandang panoorin ang pelikulang The Adjustment Bureau upang maintindihan ang sinasabi ni Weber na ideal type ay ang bureaucracy, ito ay ang modernong organisasyon kung saan kinokontrol ang mga tao upang makamit ang kaayusan ng isang lipunan. Ang bawat kilos mo ay kontrolado na nagiging dahilan ng dehumanization. Nawawalan ng kalayaan ang mga tao na gawin ang kanilang gusto at ipahayag ang kanilang damdamin. Makikita na ang bawat bagay na kahit may magandang epekto sa lipunan ay maaaring magbunga rin ng masamang resulta.

Marx’s Dream: From Capitalism to Communism




“Let the ruling classes tremble at a Communistic revolution. The proletarians have nothing to lose but their chains. They have a world to win. Workingmen of all countries unite!”




― Karl Marx, The Communist Manifesto 

Ang bawat ideya ng tao ay may kahihinatnan, maaaring ito ay mabuti o masama o hindi kaya’y kagaya ng mga ideya ni Marx na nagdala ng malaking pagbabago sa mundo. Subalit, sino nga ba si Marx?

Si Karl Heinrich Marx ay isang rebolusyonaryong sosyalista na ang ideya ay lipunan na walang nakakataas na uri at walang pananamantala. Siya ay itinuturing isa sa pinakadakilang mga ekonomista sa ating kasaysayan at isa siya sa akda ng Communist Manifesto at kasama niya sa paggawa ng aklat ay ang kanyang malapit na kaibigan at katrabaho na si Friedrich Engels.

Ang mga teorya na nabuo ni Marx tungkol sa kanyang pag-aaral sa lipunan, ekonomiya at politika ay sama-samang nakilala bilang Marxism, na ang hangarin ay magkaroon ng komunistang lipunan. Subalit sa maling pagkakaintindi ng ibang tao sa totoong ideya ng marxismo ay nagdulot ito ng malaking rebolusyon sa iba’t-ibang parte ng mundo. Dahil sa konseptong Marxist ay humantong sa pagkakabuo ng mga gayong estadong sosyalista gaya ng Unyong Sobyet noong 1922 at People’s Republic of China noong 1949. Ang maraming mga unyong manggawa at mga partido sa buong mundo ay naimpluwensiyahan rin ng mga ideyang Marxista samantalang ang iba’t ibang mga anyong teoretikal nito gaya ng Leninismo, Stalinismo, Trotskyismo, at Maoismo ay nabuo mula sa mga ito.

Paano ba naisip ni Marx ang kanyang teorya? Ito ay nagsimula sa potensyal ng tao, para kay Marx, ang tao ay pinagkalooban ng kamalayan at kakayanang maiugnay ang kamalayang ito sa pagkilos. Ngunit dahil ang lipunan ay nakapailalim sa sistema ng kapitalismo kung saan pinapatakbo ng mga klaseng mayayaman para sa kanilang kapakinabangan at kanyang hinulaan na tulad ng mga nakaraang sistemang sosyo-ekonomiko, ang kapitalismo ay hindi maiiwasang lilikha ng mga alitang panloob na hahantong sa sarili nitong pagkawasak at pagpapalit ng isang bagong sistema na sosyalismo. Sa ilalim ng sosyalismo, ang lipunan ay pamamahalaan ng klaseng manggagawa sa kanyang tinatawag na diktadurya ng proletariat, dahil dito ang mga tao lalo na ang mga manggagawa ay nahahadlangan ang pagiging malikhain at nakukulong na lamang sa kanilang mga trabaho upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Ang tungkulin ng trabaho para kay Marx ay dapat paglinang sa kakayanan ng isang tao. Pero naging kabaligtaran ang epekto ng kapitalismo sa potensyal ng isang tao. Ang mga manggagawa sa ilalim ng kapitalista ay nakukulong lamang sa isang gawain at ang produkto na kanilang ginagawa ay hindi man lang nila mabili. Paulit-ulit lang din ang kanilang gawain kaya ang pagiging malikhain ay nawawala. Ito nga ang tinatawag ni Marx na alienation. Ito ay ang pagwasak o pagkakaroon ng separasyon ng natural na interkoneksiyon o kaugnayan ng tao bilang manggagawa sa produktong kanilang ginawa, kanilang mga katrabaho, at sa anumang potensyal na mga kakayahang maging.

Ang pinagmulan ng alienation ay ang KAPITALISMONG LIPUNAN, kung saan mayroong kapitalista at manggagawa. Ang kapitalismo ay ang means of production ayon kay Marx, at ang produksyon na ito ay nangangailangan ng mga kagamitan, makina, at pabrika. Sa lipunang ito, ang mga kapitalista ang may-ari ng produksyon at ang mga manggagawa ang nagtatrabaho para sa mga kapitalista. Ang mga manggagawa ay kailangan ang kapitalismo dahil ito ang nagbibigay sa kanila ng trabaho. At dahil sa trabahong ito sila ay kumikita na kanilang ginagastos para sila ay mabuhay. Ngunit ano nga ba ang kayang ialok ng mga manggagawa sa kapitalista? Ito ay ang kanilang paggawa at oras para gawin ang kanilang trabaho. Ang mga kapitalista ay hindi kaya makabuo ng isang produkto kung wala ang mga manggagawa, at kung walang produkto ay walang pera na kikitain. Ang ugnayan ng kapitalista at proletariat na ito ay mananatili na ang mga kapitalista ay hinahayaan lamang na gamitin ang mga bagay na kakailanganin upang magkaroon o makabuo ng mga produkto at ang mga manggagawa ay binabayaran ng sweldo.

Dito papasok ang subsistence wage, ito ay ang bayad ng mga kapitalista sa manggagawa na sapat lamang upang mabuhay ang isang mangagawa at ang pamilya nito. Para kapag nagkasakit ang manggagawa ay maaari itong palitan ng sino man sa kanilang pamilya. Maliban dito, para kay Marx, hindi makatarungan ang ganitong pagtrato ng mga kapitalista sa kanilang mga manggagawa. Naniniwala si Marx na lahat ng halaga ng isang produkto ay nagmumula sa paggawa at hindi sa kapitalista. Ito ang kanyang teorya na labor theory of value.

Palibhasa ang mga kapitalista ang nagbibigay ng mga kakailanganin upang makabuo ng isang produkto, kahit hindi sila ang gumagawa nito ay sa kanila napupunta ang malaking kita at ang mga nakukuha lamang ng mga manggagawa ay wala pa sa kalahati ng kalahati na kita ng isang produkto. Sila mismo ay hindi makabili ng mga produkto na kanilang ginagawa. Ito ang tinatawag ni Marx na exploitation. Nakakalungkot isipin na ang kapitalista at manggagawa ay wala man lang kamalay-malay sa exploitation na ito at pareho silang biktikma ng false consciousness.

Sa tingin ng bawat isa ay pantay lamang ang lahat, ngunit hindi nila alam na kabaliktaran pala nito ang totoong nangyayari mas lalo pang mapalalim ang pagsasamantala. Ang mga kapitalista ay naniniwala na sila ay binibiyayaan dahil sa kanilang katalinuhan at pamumuhunan. Subalit ang mga manggagawa ay may kakayahan na makita ang pagsasamantalang ito dahil sila ang tunay na biktima sa sistemang ito. Sa termino nga ni Marx kapag ang isang manggagawa ay nakamit ang ganitong pag-iisip ito ay ang sinasabing class consciousness.

Ang patuloy na pananamantala ng mga kapitalista sa mga manggagawa ang nagdudulot sa pagkakaroon din ng labanan ng mga kapitalista kung sino ang pinakamagaling sa kanila. Kapag bumabagsak ang isang kapitalista siya ay nagiging manggagawa at patuloy na nababawasan nang nababawasan ang mga kapitalista dahil sila ay nagpapagalingan sa pagsasamantala sa mga manggagawa.

Ang kamalayan na nakamit ng manggagawa na magtagumpay na maintindihan kung ano nga ba ang kapitalismo at kung paano sila pinapahirapan ng sistemang ito ang magiging dahilan kung bakit kailangan na nilang makisali sa praxis. Kung saan naisip na ng mga manggagawa ang pagkilos para masupil ang kapitalismo. Ang pagpuksa nito ay hindi sa pamamagitan ng marahas na paraan, pero hindi rin sa paraan na pababayaan na kusang babagsak na lamang.

Ang pagbagsak ng kapitalismo ang nagbigay buhay sa komunismo na pinapangarap na lipunan ni Marx. Kung saan walang kapitalista na nanamantala, at walang manggagawa na naaapi kundi dapat pantay-pantay na sistema na nagpapahintulot sa mga mamamayan na maipahayag at magamit ang kanilang buong kakayahan at potensyal. Ito ang susi upang makamit natin ang tunay na kalayaan na ating hinahangad at patuloy na ipinaglalaban.

Emile Durkheim: From Mechanical to Organic Solidarity

“Society is defined by Social Solidarity” -Durkheim

Ang patuloy na pagbabago ng panahon ay nagdudulot din sa patuloy na pagbabago, mula sa sinaunang mekanikal na lipunan patungo sa higit pang modernong at organikong lipunan. Dahil sa pagkakaiba ng dalawang lipunan ang mga tao ay hindi alam ang gagawin sa kanilang buhay kaya nagkakaroon ng kaguluhan. Mapapatanong ka na lang, “paano nga ba magkakaroon ng kaayusan ang lipunan?” at ang solusyon na naisip ni Durkheim ay ang SOLIDARITY, at ang susi para ito ay makamit ay ang dibisyon sa paggawa.

Ang solidarity o pagbuklod-buklod ay tumutukoy sa isang pangakalahatang pagkakaisa ng mga tao sa isang lipunan sa isip man o damdamin upang makamit ang kanilang layunin at mithiin. Ayon kay Durkheim, mayroong dalawang uri ng solidarity, ito ay ang mechanical at organic solidarity.

Ang mechanical solidarity ay ang pagkakaisa kung saan ang mga tao ay may maliit na paghahati ng trabaho na nagreresulta ng pagkakapare-pareho ng kanilang mga gawain. Halimbawa na lamang ang pagkolekta ng mga prutas at gulay at pangangaso. Samantala, ang organic solidarity ay ang panlipunang pagkakaisa na maihahalintulad sa parte ng ating katawan na hindi pwedeng gumana mag-isa. Ang lahat ng tao ay naka-depende sa isa’t-isa at hindi pwedeng may mawala dahil ang lahat ay may kontribusyon para matugunan ang pangangailangan ng nakararami lalo na’t papalaki nang palaki ang populasyon. Katulad sa modernong panahon ngayon, ang populasyon ay madami at ang ibig sabihin ay dumarami rin ang mga posibleng trabaho na nagbubunga ng “division of labor”. Ang pagkakaisa ng mga tao sa organic solidarity ay nanggagaling sa kanilang pagkakaiba-iba.

Kaya naman naisip ni Durkheim ang makasaysayang pagbabago mula mekanikal patungong organikong pagkakaisa. Ang ideyang ito ay ibang-iba sa ideya ni Comte na ang pagbabago ay mula sa teolohiko, papunta sa metapisiko, at ang huli ay positibo. Para kay Durkheim, ang pagtanggap natin sa pagbabago sa ating mundo ay sa paraang paghahati at paggawa ng ating trabaho.

Ngunit ano nga ba ang naging ugat ng pagbabago mula mechanical patungong organic solidarity Ang kanyang sagot ay ang patuloy na pagdami ng populasyon o tinatawag na dynamic density. Ang dynamic density ay ang dami ng tao at dalas ng pakikipag-ugnayan. Kung ating babalikan, noong unang panahon ang mga tao ay kaunti pa lamang kaya ang kanilang mga trabaho ay kadalasang pare-pareho lamang. Dahil dito nababawasan ang komunikasyon sa isa’t-isa at ang epekto nito ay paghihiwalay ng mga tao sa isa’t-isa.

Ang pagdami naman ng populasyon ang nagbigay dahil kung bakit nagkaroon ng “division of labor”. Kapag mas maraming tao, nagkakaroon ng mas malaking kompetisyon dahil sa gamit ng pinagmumulan ng kanilang mga pangangailangan gaya ng lupain, pagkain, damit at iba pa. Dahil sa pagtaas ng dibisyon sa paggawa, kung saan ang isang tao ay abala sa isang gawain at ang iba ay abala rin sa ibang gawain. Ang resulta ng pagdami ng populasyon ay pagkakaroon ng malaking hatian sa division of labor na nagdadala ng kapayapaan at pagkakaisa sa lipunan ayon kay Durkheim.

Isa pang importanteng anggulo na nakita ni Durkheim sa pagbabago ay ang collective conscience, ito ay ang mga ideya na ibinabahagi ng mga tao sa isang lipunan o tribo. Ito ay masasabing kolektibo sa paraang isang taong nakakaalam o umaangkin ng lahat ng ideya, kundi ito lamang ang buong koleksyon ng mga indibidwal na nakakaalam ng lahat ng ito. Mapapansin na iba ang collective conscience ng mekanikal at organikong pagkakaisa. Halimbawa, ang paghalal sa pinuno noong unang panahon kung saan mechanical solidarity, ang mga tao ay kinakailangan na maging bahagi sa botohan dahil kapag may hindi sumali, malalaman ng lahat kung sino ito. Gayunpaman, ngayong modernong panahon, nailalarawan mula sa organic solidarity na ang pakikilahok sa pagboboto ay hindi ganun kalakas. Lahat ay inaanyayahan bumoto ngunit wala namang kaakibat na parusa kapag hindi nakilahok sa nasabing botohan.

Mula sa malakas o mahina na epekto ng collective conscience. dito pumapasok ang batas na noon ay repressive at ngayon naman ay restitutive. Noong unang panahon, mabigat ang parusa sa mga krimen o paglabag sa paniniwala na mayroon ang isang lipunan. Ang mga halimbawa ng parusa noon ay pagpugot ng ulo,       pagputol ng kamay, dila o kahit ano pang parte ng katawan, at iba pang labis na pagpapahirap. Subalit ngayon, nagawa na ang mga batas kung saan ang mga parusa ay hindi na gamit ang dahas kundi pagkakakulong o hindi kaya’y pagbabayad na lamang ng multa. Makikita na humina ang collective conscience dahil sa iba’t-ibang lugar lalo na sa ating bansa, mataas ang bilang ng mga krimen.

Para mas madaling maintidihan kung paano mag-isip si Durkheim at ang pag-unlad ng modernong lipunan nabuo niya ang konsepto ng social facts. Ayon nga sa kanya,”a social fact is any way of acting, whether fixed or not, capable of exerting over the individual an external constraint”

Nakikita niya ito na isang konkretong ideya na nakakapagbago at nakakaapekto sa araw-araw na buhay ng isang tao. Ito ay may dalawang uri, ang material social facts at nonmaterial social facts. Ang material social facts ay ang mga materyal na bagay sa mundo, isang halimbawa nito ay ang arkitektura. Ang nonmaterial social facts naman ay ang mga paniniwala, kahalagahan, kulturang pamantayan, isang halimbawa ay ang pagpapahalaga natin sa edukasyon.

Dahil sa pagiging modernong ng lipunan, at pag-usbong ng organic solidarity nagkaroon ng iba’t-ibang problema at isa sa kinakatakot ni Durkheim ay kanyang tinawag na anomie. Ito ay ang pakiramdam na hindi alam ng isang indibidwal kung ano ba ang nararapat nilang gawin. Isang halimbawa ay kapag may nakaiwan ng gamit, hindi mo alam kung ibabalik mo ba yung gamit na yun sa may-ari o hayaan mo na lang. Ang epekto nito sa tao ay ang tuluyang pagkalayo sa lipunan at hindi malinaw na pag-iisip. Kabaliktaran noon sa mechanical solidarity, ang mga tao ay hindi nakakaranas ng anomie dahil alam nila lagi ang nararapat nilang gawin.

When did Sociology begin?

“Ang kasaysayan ay may abilidad na impluwensyahan ang mga bagay na natutunan mo sa nakaraan para sa kinabukasan” 

Ang kasaysayan ang nagbibigay kahulugan sa mga bagay-bagay na nalalaman natin ngayon. Ngunit sino nga ba ang mga tao sa likod ng kapanganakan ng Sosyolohiya? Paano ba naisipan na magkaroon ng sosyolohiya sa pag-aaral at buhay natin ngayon? Ano ang Rebolusyong Pranses at bakit ito nangyari noong unang panahon? Ano ang relasyon nito sa pag-usbong ng Sosyolohiya?

Ngunit paano ba naipapaliwanag ang realidad bago pa magkaroon ng Sosyolihiya? Noong unang panahon, ang mga tao ay naniniwala lamang sa mga bagay na nakikita at naririnig nila sa kanilang paligid. Ang kalikasan ang kanilang nag-iisang rason sa mga bagay na hindi nila basta-basta naipapaliwanag. Ito ay tinatawag na supernatural na sa pagbabago ng panahon ay kalaunan ang mga bagay ay naipapaliwanag na dahil sa siyentipikong pag-aaral.

Pagbabalik sa kasaysayan, noong 1330’s panahon ng Dark Ages kung saan ang hari at reyna ang namumuno at ang lahat ng kanilang ninanais ay dapat nasusunod. Ang mga taong lumabag sa kanilang kagustuhan ay mapaparusahan, at sila ay walang kalayaan. Ang panahon din na ito ay dominado ang lipunan ng mga paniniwalang panrelihiyon. Dahil dito, ang mga tao ay nagsimulang magtanong. Ayon nga kay Pertrarch, “My fate is to live among varied and confusing storms. But for you perhaps, if as I hope and wish you will live long after me, there will follow a better age.” At dito papasok ang panahon ng Enlightenment.

Makaraan ang ilang panahon, noong 18th Century, dahil sa mga pangyayari noong Dark Ages ang mga tao ay nagsimulang mamulat sa kamalian na nangyari noon. Ang mga tao ay nagkaroon ng mga bagong kaalaman kung saan ang kanilang pag-iisip ay naging rasyonal at ang mga nangyayari sa kanilang paligid ay kanilang kinuwestyon. Katulad na lamang ng mga kamaliang ginagawa ng mga nakakataas sa kanilang lipunan.

Matapos ang Panahon ng Pagkamulat, naisipan din ng mga tao na pabagsakin ang monarkiya upang matapos na ang pagaabuso ng mga nakakataas sa mga nakakababa sa lipunan. Dito nagsimula ang Rebolusyong Pranses noong 1789. Ang French Revolution ay isa sa may pinaka malaking ambag sa kapanganakan ng Sosyolohiya. Dito nagsimula mabigyan ng ideya ang mga tao sa kung ano ba ang mga nalalaman natin sa sosyolohiya ngayon. Matapos ang pagbagsak ng monarkiya, ang mga dating sunod-sunuran sa mga hari at reyna noon ay nagkaroon ng ideya na maging kapitalista at doon nagsimula ang Industrial Revolution. Ang lipunan ay dumaan sa pagbabago at nagkaroon ng mga pabrika, transportasyon at pag-usbong ng teknolohiya. Ang patuloy na pagbabago ng panahon ay nagdudulot din ng pagbabago sa lipunan. Ang sumunod na pagbabago ay ang pagdating ng agham sa buhay ng mga tao. Nagkaroon ng siyentipikong pag-aaral kung saan ang mga bagay ay dapat naipapaliwanag na dahil sa facts at hindi na lamang sa kalikasan.

Matapos ang rebolusyon, ang mga tao ay nahihirapan sa kanilang mga buhay kung ano ba ang nararapat nilang gawin dahil ang lipunan ay magulo. Nabuo ang schools of thought bilang sagot sa katanungan ng mga tao, dito pumapasok ang Classical Romanticism kung saan sila ay naniniwala na hindi dapat magbago ang lipunan. Kaya nagkakaroon ng kaguluhan ay dahil pinakialaman ng mga tao ang gawa ng Diyos, dapat daw bumalik sa lumang panahon kung saan mayroong diktador upang bumalik sa kaayusan ang lipunan. Ang sumunod naman ay ang Conservative Romanticism na nagkaroon ng konting pagbabago ngunit ang kanilang paniniwala ay halos pareho pa rin sa Classic Romanticism. Sila ay parehong ayaw magwasak ng lipunan at naniniwalang dapat tanggapin ang sistema na mayroon tayo at maghintay na lang ng pag-unlad sa pagdating ng panahon. At ang huli ay ang Progressive Romanticism, paniniwala kung saan hindi dapat isinasa-Diyos ang pagbabago dahil tao lang din naman ang bumubuo sa lipunan. Dapat tayo mismo ang kumilos upang makamit ang ating inaasam na pagbabago.

Dahil sa mga pangyayari sa iba’t-ibang panahon, ang mga philosopher at sociologist ay nagbigay ng sariling ambag sa pagkabuhay ng Sosyolohiya. Sino-sino ba ang nasa likod nito? Si Auguste Comte ay kilala bilang Ama ng Sosyolohiya dahil siya ay pinanganak noong panahon ng French Revolution at dahil sa pagdaan ng iba’t-ibang panahon, ipinapaliwanag niya na may tatlong estado ang Principle of Knowledge ito ay ang theological, kung saan ang kaalaman ay nakabase sa animism, spirits at Gods. Ang metaphysical naman ay para katulad din ng theological ngunit naipapaliwanag din ang bagay-bagay sa paraan ng abstract reasoning. Ang huli ay ang siyentipikong pag-iisip, ang kaalaman at pinaniniwalaan ng isang tao ay nakabase sa mga bagay na napatunayang totoo dahil sa eksperimento, pago-obserba at pag-aaral na may matibay na ebidensya.

Ang kasaysayan ng Sosyolohiya ang nagpapakita na dahil sa mga pangyayari ng nakaraan, marami ang magiging ambag nito sa kasalukuyan at sa magiging kinabukasan. Sa patuloy na pagbabago, nagkakaroon ng iba’t-ibang pananaw para mas lalo pang mabigyan ng totoong pagpapakahulugan ang sosyolohiya. Ang ating kasaysayan ang magiging gabay sa pag-aaral ng mga pangyayari sa ating lipunan.